Una sa Balita

May mga banta sa buhay namin – Marjorie

0 1,137

Ni Jun Lalin

Kinumpirma ng ilang mga nagpunta sa burol ni Mr. Miguel Barretto noong Thursday night sa Heritage Memorial Park na nagkaroon ng gulo ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto.

Isang aktres na kaibigan ni Claudine ang nagsabi sa akin na noong papunta siya sa nasabing burol ay may tumawag na sa kanya para bawalan na siyang pumunta.

“Nagkagulo raw kasi sina Clau af Marj. Huwag na raw kaming pumunta dahil umalis na si Clau. Hinimatay nga raw si Mommy Inday (Barretto) at dadalhin yata sa hospital,” sabi ng aktres na nakausap ko.

Ayon naman sa ibang mga nagpunta sa wake, hindi naman daw isinugod sa hospital si Mommy Inday, si Claudine raw ang nagpa-hospital.

Nagpahinga lang daw si Mommy Inday sa isang private room doon.

Ayon naman sa ibang mga nakausap ko na nakausap naman ni Marjorie sa burol ng kanyang ama, kumbinsido na raw ang aktres na magsalita na.

Magge-guest daw si Marjorie sa show ng isang kilalang TV host for “TELL ALL”!

Babasagin na raw ni Marjorie ang katahimikan niya for so many years at lahat-lahat ay sasabihin na niya.

Suportado raw si Marjorie ng kanyang mga anak sa planong ito.

“Sasabihin na ni Marjorie lahat-lahat. Wala na siyang itatago para matapos na ang gulong ito!” sabi pa ng kausap ko.

Samantala, tumawag si Marjorie kahapon sa isang taong malapit sa akin at kaharap ako, at ipinakiusap sa akin ang aktres.

Sinabi ni Marjorie na magpapa-interview na siya pagkatapos ng cremation ng kanyang tatay. Iki-cremate ang mga labi ni Mr. Barretto ngayong araw na ito para maiwasan na ang mga gulo sa burol.

Cremation ni Mr. Barretto minadali, iwas gulo

Dapat ay bukas pa ang cremation.

“Magsasalita na ako kasi may nagte-threat na sa amin. Para alam ng mga tao kung sino ang sisisihin kapag may nangyaring masama sa amin ng pamilya ko!” sabi ni Marjorie.

Magpapasabi raw si Marjorie pagkatapos ng cremation ng kanilang tatay kung kailan siya magpapa-interview.

Samantala, nanghingi ng paumanhin si Marjorie dahil hindi nga nila ina-allow ang press sa burol ng kanilang tatay na nagtapos na kagabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy