Una sa Balita

May matinding buwelta pa ang US — Trillanes

By , ,
0 180

Babala ni Senador Antonio Trillanes IV na simula pa lamang sa mga inaasahang mas matitindi pang buwelta ng Amerika sa Pilipinas ang pag-atras o paghinto ng US State Department sa pagbebenta ng mga baril sa Philippine National Police (PNP).

Tuluyan nang nagkalamat ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos matapos ang walang tigil na birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na nag-ugat sa puna ng huli sa usapin ng human rights violations sa bansa kasabay ng pinaigting na giyera ng pamahalaan kontra droga.

Ayon kay Trillanes, wala namang ibang maaring sisihin sa desisyon na ito ng Amerika kundi ang Pangulo.

Nagbabala rin si Akbayan partylist Rep. Tom Villar, miyembro ng legitimate minority sa Mababang Kapulungan sa susunod na aksyon ng US laban sa Pilipinas, gaya ng paghihigpit sa pagpasok ng mga Filipino sa kanilang bansa, gayundin sa pag-ipit sa mga produkto ng Pilipinas na tiyak na makakaapekto sa business sector.

Paniwala naman ni Senador Panfilo Lacson na isang malinaw na ‘bully attitude’ ang desisyon ng US laban sa Pili­pinas na matagal na nitong kaalyado.

Aniya, unfair para gawin sa Pilipinas bilang isang equally sovereign state ang desisyon na ito ng US. Aniya, dapat ay gumawa muna ng isang conclusive investigation ang US department na magpapakita ng katibayan sa alegasyon ni US Senator Ben Cardin laban sa umano’y laganap na human rights violation sa Pilipinas bago pa man maglabas ng desisyon ukol sa paghihinto nito ng pagbebenta ng rifles sa PNP.

“Prudence dictates that the US State Department should first show a conclusive investigation that says what Sen. Benjamin Cardin has alleged before issuing a statement banning the sale of assault rifles to our uniformed services,” ayon kay Lacson.

Aniya, maraming ban­sang pwedeng pagbilhan ng baril gaya ng Germany, Israel, Belgium, Russia at China.

Samantala, minaliit at binalewala lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing desisyon ng US State Department.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More