Una sa Balita

May malasakit

0 865

Dia yata’t malasakit ang isa sa mga karakter ng administrasyong Duterte simula noong ito ay mangampanya tatlong taon na ang nakalilipas. At nang nailuklok, tila ito pa rin ang laging ipinapaparating na kaibahan nito sa mga nagdaang administrasyon.

Ngunit tila nakalimot nang napabalitang nabawasan ang budget ng Philippine General Hospital o PGH. Samantalang ang budget naman ng Pangulo ay tumaas nang ilang bil­yong piso.

Hindi ito maintindihan ng ating mga kababayan kung kaya’t lumabas sa social media ang malaking discrepancy ng dalawang sector na ito sa budget na inihahanda ng

Kongreso. At kung hindi pa nag-ingay ang mga tao sa social media, tiyak na hindi mapapansin ang isyu na ito.

Kaya naman matapos ang ilang araw ay napa­balita nang ibinalik sa dating budget ang PGH.

Nakakapagtaka lang kung ano ang naging dahilan ng Kongreso bakit ibinaba noong una ang budget, samantalang napakarami nating mga kababayan, lalo na ang mahihirap ang na­ngangailangan ng tulong sa kalusugan. Sa gitna ng mga nangyayaring pagtaas ng bilang ng mga may dengue ay siya naman ang pagbaba ng budget.

Samantalang walang kaabog-abog na agad ipinasa ng Kongreso ang budget ng Pangulo. Apat na bilyong piso. Mantakin mo ‘yan. At hindi na malalaman ng publiko kung saan ito gagamitin. ‘Di sakop ng audit ang budget ng Pangulo. Gaya ng kanyang intelligence fund wala na itong tanong-tanong kung saan ginamit.

Nakakapagtaka lang na kung aling departamento ang talagang may malaking panga­ngailangan ay siya pang nababawasan. Dapat nga ito ay itinaas pa kaysa sa ibinalik lang sa dati.

Taon-taon, alam natin ang nagiging kalalagayan ng ating mga kababayan lalo na sa usapin ng kalusugan partikular sa mga mahihirap.

Mabuti na lang at ang netizen ay nag-ingay. Kung hindi, nawalan na talaga ng pagpapahalaga ang pamahalaan sa mga taong lalong nangangailangan.
Ngunit kung talagang tunay na may malasakit, dapat ‘di lang ibinalik ang budget kundi dapat pa itong dagdagan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More