Una sa Balita

May magandang bukas ang Mavs kina Doncic, Porzingis

0 317

Key Players: Luka Doncic, Kristaps Porzingis, Dwight Powell, Jalen Brunson, Tim Hardaway Jr., Maxi Kleber, Seth Curry J.J. Barea

Roster: Luka Doncic, Dwight Powell, Jalen Brunson, Maxi Kleber, Seth Curry J.J. Barea, Ryan Broekhoff, Jalen Brunson, Antonius Cleveland, Dorian Finney-Smith, Justin Jackson, Maxi Kleber, Boban Marjanovic, Dwight Powell, Delon Wright

Key Addition: Josh Reaves (Draft), Isaiah Roby (Draft), Kristaps Porzingis, Tim Hardaway Jr., Courtney Lee

Coach: Rick Carlisle

Rank: 14th in Western Conference

Record: 33-49

Sumablay ang Dallas Mavericks sa playoffs nang lumagak lang sa ika-14 na puwesto sa Western Conference ng 73rd National Basketball Association 2018-19.

Sa pagbubukas ng ika-74 na edisyon ng US major cage league, walang ibang nais DM kundi ang ang makabangon sa pagkalugmok na iyon lalo si Luka Doncic, ang naging Rookie of the Year.

Paninindigan at papakitang gilas muli ang 20-anyos na power forward na may average na 21.2 points, 6 assists, at 7.8 rebounds upang mapabilang sa best power forward sa liga, maging magara rin ang sophomore year.

Kung ikukumpara kay Ben Simmons, taglay ni Luka ang pagiging all-around player bukod pa sa pagiging maangas pagdating sa shooting na may 32.7% clip at may average 16.5 attempts per game na maikokonsiderang leading scorer sa Dallas.

Mintis man si Jalen Brunson sa best rookie 2018-19 season, ito ng pagkakataong makapagpakita siya sa ikalawang taon din. Kamador din si Brunson patunay ng 52.3% shooting sa 2 points at 34.8% sa 3 points sa 22-minutong playing time na ipinauubaya sa kanya.

Pambangga rin ng Mavericks si Tim Hardaway Jr. lalo na’t ‘good to go’ na ulit ito mula sa left tibia injury sa nakaraang kumperensiya.

Ngayong healthy na ulit siya’y asahan ang kapana-panabik niyang pagbabalik at siguradong lalampasan pa ang dating 15-18 points kada laro.

‘Di rin padadaig si NBA All-Star Kristaps Porzingi na bangko sa entire season dahil naghilom narin ngayon ang knee injury.

Garantisadong mainit ang kanyang pagbabalik-hardcourt lalo na’t maabilidad ito pagdating sa shooting kung saan isa siya sa mga high-scorer ng liga bukod pa sa taglay na tangkad na 7’3’’. (Aivan Denzel Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy