Una sa Balita

May kulang sa women’s volleyball

0 341

Volleyball man ang itinuturing na pangalawa sa kinagigiliwang laro ng mga Filipino sports fans, bakit nga ba tila suntok sa buwan pa rin ang tsansa ng Phili­ppine Women’s Volleyball team na mag-medalya sa mga international competition?

Simple lang.

Wala kasing regular na roster o line-up ang Pilipinas pagdating sa disiplinang ito. Kadalasan ay saka lamang nagkukumahog ang volleyball NSA na La­rong Volleyball sa Pilipinas, Inc. o LVPI mula sa pagbuo ng National coaching staff hanggang sa pagtapik ng mga player­ na available para sa pambansang koponan.

Kumpara sa ibang NSA o yung mga sports na hindi naman gaanong popular sa mga Pinoy na ilang taon kung mag-training para sa isang event, itong mga player ng National Women’s Volleyball team ay ilang buwan bago ang sasalihang torneo ay saka lang mabubuo at magje-gelling sa team.

Eh paano ba naman, abala sila kasama ang kani-kanilang mother ball club sa paghataw sa semi-professional leagues gaya ng Philippine Superliga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).

Masisisi ba natin sila? Siyempre hindi. Praktikal lang sila. Bakit? Kailangan nilang kumita para makakain sa araw-araw para mabuhay. Hindi naman pwedeng laging “Para Sa Bayan” kung nganga ka naman.

Sa darating na November 30 hanggang December 11 ay idaraos sa Pilipinas ang pinakamalaking biennial regional meet sa Timog Silangang Asya ang Southeast Asian Games o SEA Games na nasa ika-30 edisyon na ngayong taon.

Isa ang volleyball sa 56 sports na lalaruin sa okasyon ngunit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin magsisimula ang women’s team sa kanilang training.­

Bronze medal ang highest achievement ng Women’s Volleyball team ng bansa sa SEA Games na nakamit noong 2005 Manila Games.

Malay mo, malay ko, malay naman nating­ lahat kung better na ngayong taon ang volleyball program ng bansa para kahit limang buwan lang ang training ay makakaya pa ring tumapak ng podium ngayong taon.

Pero para sakin, walang imposible, alinsunod sa kanilang mantra na Sambansa, isang mithiin din ang gustong abutin ng bawat atletang Pilipino para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas.

***

Sa may mga suhestiyon sa mga future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com.

I-follow ninyo rin po ang ating official twitter page sa Abante ang @AbanteNews para laging updated sa mga balita sa loob at labas ng bansa.

Hanggang sa susunod nating isyu, sala­mat YANGsters!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy