Una sa Balita

May karapatan ba ang anak sa unang asawa?

0 578

Dear Atty. Claire,
Magandang buhay po. Ako po ay may problema tungkol sa lupa at bahay na nabili namin.

‘Yung nagbenta po sa amin ng lupa ay balo na at ‘yung napangasawa niya nitong huli ay balo din so, nakasal sila.

Ngayon po nakapundar sila ng bahay at lupa tapos ay namatay na ‘yung asawa niyang lalaki.

Wala po sila naging anak, ibinenta po sa amin nu’ng asawang babae ang bahay at lupa.

Ngayon po ay may naghahabol na anak sa una ng lalaki. Tanong ko lang po may habol ba sila kahit naipundar nilang mag-asawa ito at kasal naman sila?
Salamat po, Ruben

Mr. Ruben,
Opo, ang mga anak sa una ng lalaki ay kanya rin pong tagapagmana at hindi lamang po ang asawang huli ang may karapatan sa ari-ariang naiwan ng asawa niyang lalaki.

Related Posts

Ang magiging hatian po nilang mag-asawa ay 50-50 dahil naipundar nila ito nang sila ay kasala na.

Ang 50% share ng lalaki ay hahatiin nang pantay-pantay sa mga naiwang tagapagmana at kasama rito ang asawa at lahat ng anak ng lalaki.
Kung naibenta lamang po ang bahay at lupa ng babaeng asawa nang walang pirma ang mga anak ng lalaki, ay may habol po sila sa kanilang share sa mana.

Mas maganda po na makipag-usap kayo sa mga nagbenta sa inyo at sabihin na ibigay ang share ng mga naiwang anak sa halagang napagbentahan.

Kapag hindi po nagkasundo ang mga anak at ang asawa ng lalaki ay kayo po ang magdurusa dahil baka mapawalang-bisa ang bentahan o kaya ay pagbayarin kayong muli para maibigay na lamang ang katumbas na halaga ng share nila.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy