Una sa Balita

May forever ba sa abroad? (Part 3)

By
0 52

Magandang pakinggan ang salitang abroad pero sa kabila nito, samu’t sari ang mga leksiyon na natututunan ng mga manggagawa na naninirahan sa ibang bayan upang magtrabaho.

Para sa mga first timers­, nandyan ang culture shock, homesickness, language barrier at marami pang ibang pagsubok na kanilang hinaharap.

Narito ang pagpapatuloy ng mga lessons learned ng ating mga tagasubaybay ng programang Radyo OFW sa kanilang pamamalagi sa ibang bansa.

Sana makatulong ito lalo na sa ngayon pa lang nagiisip kung ang pagiging OFW ay para sa kanila.

Part 2 ng question of the day: Ilang taon ka na sa abroad? Ano ang mga natutunan mo sa buhay bilang OFW?

Sarah De Vera: 12 years dito sa Bahrain. Mahirap na masaya dahil napagtapos ko ang mga anak ko sa kolehiyo. Pero mahirap dahil hindi basta-basta ang pagdadaanan mo sa abroad.

Minsan kaaway mo ang amo mo. Kaya dapat maghulog sa sss at pag-IBIG. Para ‘pag hindi na kaya ang mag-work may maasahan ka kahit papaano sa pagreretiro.

Jonalyn Manlolo: 4 years Lebanon and Qatar. Ang pagkakaiba nabibigay ko pangangailangan ng pamilya ko kumpara sa 10 taon na trinabaho ko sa Pinas kulang pa minsan sa pamasahe.

Ang sweldo may kasama pang-overtime ‘yan! Pero kapos pa din kumpara sa abroad, mahirap pero kung marunong kang humawak ng kita makakaipon ka talaga kahit papaano.

Related Posts

Kelvin Asis: 5 years in a row, I learned how to fall in line, makipagsiksikan sa ibang lahi just to send money back home. It was not easy at first but appa­rently I learned to overcome adversaries in life.

Marilyn Dela Cruz: 3yrs. mahigit here in Taiwan. Sarap pakinggan ang salitang abroad. Pero hirap at pangungulila sa pamilya, pero kaya ko tiisin lahat basta lang maibigay ko sa anak ko ‘yung maayos kailangan niya.

Dati kasi halos hindi ko maibili anak ko ng bago damit basta-basta. Pero ngayon sa awa ng Diyos naibibigay ko na.

Nakapagpundar na ko ng gamit sa bahay at naunti unti nagawa maliit na bahay namin. Lahat ng hirap ko noon sa Pinas palagi ko iniisip.

Kaya yung ginagawa ko lakas para maging matatag pa ko da bansa ito. Para sa anak ko lahat ng ito.

Helen Collado: 14 years na ako. Ang natutunan ko ay 1) Kailangang magin­g matatag. 2) Marunong makisama sa mga kasamahan. 3) Respeto sa mga amo.

Sa kabila ng paghahabol natin sa ating mga pangarap sa buhay huwag natin kalilimutan:

5 Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, “Never will I leave you; never will I forsake you.” 6 So we say with confidence, “The Lord is my helper; I will not be afraid. What can mere mortals do to me?” Hebrews 13:5-6 NIV

***

Makinig sa “Radyo OFW” 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW Email: radyoofw@gmail.com