Una sa Balita

May forever ba sa abroad? (Part 1)

By
0 42

Dekada ‘70 nagsimula ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nung una ito ay dapat na pansamantala o “stop gap measure” lamang upang tugunan ang lumalaking bilang ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Ngunit sa hinaba-haba ng panahon, tila ang dapat na pansamantalang hakbang ng gobyerno ay nagtuloy-tuloy na hanggang sa umabot na sa milyon ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa.

Abante Hiring – IT dep

Naging bahagi na ng pamumuhay at kultura ang pagkakaroon ng OFW sa halos bawat sambahayan ng pamilyang Pilipino.

Ganon pa man, ang sagot kung may forever nga ba sa abroad ay wala dapat. Temporary lang dapat ito hanggang sa makaipon at makapundar tayo ng maganda at maayos na kabuhayan dito sa Pinas.

Hindi dapat ito nauuwi sa tinatawag na “vicious cycle”, na abroad-kita-ubos biyaya-abroad ulit.

Ano nga ba ang mga karunungan na natututunan ang ating mga OFW sa buhay sa kanilang pagtatrabaho sa abroad? Ito ang naging “question of the day” sa aming programang Radyo OFW sa Radyo Pilipinas 738 AM: Ilang taon ka na sa abroad? Ano ang mga natutunan mo sa buhay bilang OFW?

Narito ang sagot ng ating mga Pinoy abroad:

Gelyn Saul Cuyos: I learned a lot from Saudi Arabia. This year is going to be my 9th years. I know how to be brave, strong, how to handle a business, determined and be humble, matipid, spend wisely, how to be a mother even far from them.

Rosalie Magnaye: Marami, importante yong tama para sa pamilya, dignidad ng bawat isa at kapakanan sa ating Pamilya. Higit sa lahat ang Panginoon kapit lang dahil di nya tayo pinabayaan. God Bless us All. Saludo po ako sa patuloy na pagmamahal natin sa ating pamilya. Ina po ako na hindi sumuko sa aking pamilya.

Tita Gapasinao: I’m 47 yrs old na ako dito ako Kuwai. Ang dami kong natutunan, na kong paano makikisama at mag pako baba hindi lang sa ibang lahi, sa kapwa din natin mga Pilipino. At lahat na pagsubok sa awa ng Panginoon nalalagpasan din pagtitis at pangungulila sa mga anak at pamilya. Pero andyan ang Panginoon kumapit lang at hindi nya kami pinabayaan.

Abangan ang pagpapatuloy ng mga hugot at sagot sa question of the day sa Part 2 ng usa­ping ito.

***

Makinig sa “Radyo OFW” 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW Email: radyoofw@gmail.com