Una sa Balita

May ED gusto ng baby

Part 2

0 261

Huwag ka sanang mag alala, ok? Kahit na pisikal ang iyong ED, mayroon pang magagawa para rito pero ang urologist (at hindi ako) ang makakatulong sa iyo. Also, kahit na pisi­kal ang problema, hindi ibig sabhin na hindi kayo puwedeng magka baby. Ingat – MG Holmes

Dear Dra Holmes:
Maraming, mara­ming salamat po sa inyong reply dra.. Eto po ang aking mga sagot sa inyong tanong noong nakaraang Mayo 15. “Sa umaga ba, Paul, nagkakaroon ka ng erection?”
Opo dra, nagkakaroon po ako, kasi minsan wala nmn po sa mood si misis,, kaya ang ginagawa ko, (pasensya na po sa sasabihin ko po) pinapahandjob ko po sa kanya… more power po…
Paul

Dear Paul:
Maraming salamat sa iyong pagsagot ng aking tanong tungkol sa pagkaroon mo ng erection sa umaga. Sinabi­ ko na ang iyong pagsagot sa tanong na ito (at ang ibang mga sinabi mo sa akin sa nakaraang Mayo 13 at 15) ang siyang­ makakatulong malaman kung ang ugat ng iyong erectile dysfunction (ED) ay sikolohikal, pisikal o kombinasyong ng dalawa.

Nasisiyahan akong sabihin sa iyo na HINDI pisikal ang iyong problema. ‘Yan ay dahil­ hindi “global” ang iyong ED. Ang ibig sabihin ng global ay hindi lagin­g nangyayari, kahit ano ang sitwasyon, kahit sino ang kasama mo. So ibig sabihin, hindi pisikal ang ED mo. Kasi, kung pisikal, global ang ED mo. Global, palagay ko, kasi sa kahit anong situwasyon (so, under any circumstan­ces around the globe) hindi ka nagkakaroon ng erection.

Good news ito, Paul, kasi hindi ka na kaila­ngang pumunta sa urolo­gist kasi obvious na ang ED mo ay sikolohikal. Kailangang malaman natin ano-ano ang mga sitwasyon na nahihirapan ang ari mo tumigas?

Pag pagod ka? Pag nag-away kayo ni misis? Pag wala siya “in the mood”?

Pag malungkot ka? Pag galit ka? Galit ka hindi lang sa asawa mo (kasi baka kalian hindi ka nagagalit sa kanya, diba?) pero galit sa kahit kanino—sa boss mo, sa kapit bahay mo, sa kabarkada mo? final installment on Monday, Mayo 20.

***

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Marga­rita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy