Una sa Balita

May ED gusto ng baby

0 513

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
Eto po ang aking mga sagot sa tinanong ninyo noong nakaraang Mayo 13.

1. Nu’ng kinasal po ako, medyo nagsimula na po ang hindi pagtigas ng aking ari po, pero paminsan-minsan, nagkakaroon din po ako ng erection pero sa pandalian lang po. Biglaan nmn po itong nangyayari.

2. ‘Yung mga past GF ko po ay mga single mothers po kaya madali kami nagkakaroon ng spark po. nagkakaroon namn po ako ng erection pero minsan nasa mood swings ko po.

3. Ang dahilan po kung bakit hindi po kami nagsesex po dati ng asawa ko ngaun for 10 years is that ayaw nya po ng pre-marital sex po, iginalang ko po ‘yun sapagkat mahal ko po sya, ngunit sa mga panahong po ‘yun, pag nagkakamood po ako. Nagmamasturbate po ako
misis

1. Wala pa po syang nakaka-sex bago kami po nag-asawa.

2. kissing and handjobs lang daw po ang naranasan nya sa mga ex nya. (2) lang po ang naging BF nya bago po kami.

3. Kagustuhan nmn daw nya po na wala po kaming pre-marital sex po bago po kami ikasal

Dra. Holmes, Maraming maraming salamat at napa-unlakan nyo po ang aking­ mga katanungan, sana po minsan, makita ko po kayo personnal at makausap­ po… mahal na mahal ko po ang aking asawa. Magandang araw po… more power­ po… Paul

Dear Paul:
Una, maraming-maraming salamat sa‘yong pagsagot agad. Salamat rin sa misis mo, sa kanyang pagtitiwala sa akin at sa pag-intindi na ang lahat ng mga tanong ko ay para matulungan kayo.

Ang layunin ng mga tanong ko, Paul, ay para malaman kung ang iyong ED (erectile dysfunction) ay may basehang sikolohikal (in wich case matutulungan kita) o ang basehan ay pisikal lang (in which case, matutulungan ka ng isang urologist—isang mangagamot na ang espes­yalidad ay ang mga parte ng katawan ng lalake kung saan nakakabuo ng bata.

Ang huling tanong ko na lang sa iyo ay: “Sa umaga ba, Paul, nagkakaroon ka ng erection?

Hihintayin ko ang sagot mo sa huling tanong na ito, kasi ‘yan at ang mga sinulat mo sa akin ngayon ang siyang makakatulong upang malaman kung pisikal nga, sikolohikal, o kombinasyon ng dalawang sanhi ng problema mo. Ingat­ – MG Holmes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy