Una sa Balita

MAY DRUG TEST NA SA STUDES

By
0 7

Kung papayagan ang panukala ng Department of Education (DepEd), magiging mandatory na ang drug test sa lahat ng mag-aaral sa pribado­ at pampublikong mga ­eskwelahan sa buong bansa.

Ayon sa DepEd mahalagang mabantayan ang kaligtasan ng mga bata sa droga para sa mas maayos nilang paglaki at kaligtasan na rin ng lipunan.

Ipinaliwanag ni Dep­Ed Asst. Sec. Jesus Mateo na sinimulan na nila ang serye ng mga anti-drug abuse program para mas higit na maintindihan ng mga kabataan ang masamang dulot ng droga sa kanilang sarili.

Idinagdag pa ni Mateo na patuloy ang kanilang pakikipag-­ugnayan sa mga law enforcement agencies para sa monitoring ng mga sindikato na posibleng gumagamit ng mga kabataan sa kanilang illegal drug trade.

Pero dahil sa kakapusan sa budget, sinabi ni Mateo na uunahin muna nila ang random drug test sa mga mag-aaral.