Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May booster bigyan ng insentibo

0 145

Para mahikayat ang mga hindi pa nagpa-booster shot, iminungkahi ng National Task Force Against COVID-19 na bigyan ng insentibo ang mga mayroon nang booster shots.

Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na hihilingin nila sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa mga malalaking establisimiyento na bigyan ng insentibo ang mga nakatanggap na ng booster shot para maengganyo na rin ang mga hindi pa nakatanggap ng kanilang third shot.

Lahat aniya ng mga naiisip na paraan ay gagawin ng NTF para magpabakuna ang mga ayaw tumanggap ng COVID vaccine.

“We requested DTI and other big establishment to give more incentives to those people with boosters,” ani Galvez.

Dahil dito sinabi ni Galvez na muling maglulunsad ng tatlong araw na National Vaccination Day ang gobyerno sa March 10-12 para mabigyan ng proteksiyon ang mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.