Una sa Balita

May BF ba ang asawa ko?

0 989

Dear Dra. Holmes:

Maganda po ang pagsasama namin ng asawa ko dati hanggang nalipat siya sa bagong office sa BGC. Ngayon, hawak na niya palagi ang cellphone niya. May guy na palagi niyang kasama, nakaakbay pa sila sa FB. Parang heart attack ang nangyari sa akin. Nakakaiyak. I confronted her, tinanggi niya po.

Nakita ko rin po ang google history search niya. May heart attack ulit ako.

Ang mga searches niya ay ‘sex inside a tinted car’, pampasikip ng vagina, nag-search ng foods to eat to make vagina smell good. At mga searches na hotels.

Sa palagay ba ninyo doc mayroon na silang relas­yon? ­— PAT

Dear Pat:

Maraming salamat sa sulat mo. Hindi ko kilala ang iyong asawa kaya ang mga masasabi ko lang sa iyo ay ang aking mga opinyon, kahit na ang basehan ay mga karanasan ko bilang sikolohista sa sex at marriage. Kadalasan, ang pagtago ng cellphone etc. ay siguradong tanda na mayroong malaking bagay na tinatago ang tao sa kaniyang asawa. Ang kaniyang google sear­ches, kung hindi bahagi ng inyong buhay ay mala­ki ring tanda na siya ay may bagong boyfriend.

Ang tanong ko nga­yon my dearest Pat, ano ang gusto mong gawin? Ipaglalaban mo ba ang asawa mo o tatanggapin mo na mayroon siyang iba? Hindi ko mabigay sa iyo ang tamang sagot, dahil ang tama o maling sagot ay depende sa sitwasyon ninyo. Kapag desidido ka na, sultan mo ako at sana matulungan pa kita kahit konti. Ingat — MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nasusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles and Biyernes, at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy