Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May banta sa buhay! Pope Francis ipagdasal

0 50

Kinumpirma ni Archbishop Jose Cardinal Advincula, na may ‘death threat’ si Pope Francis.

Kasabay nito, hiniling ni Cardinal Advincula na ipagdasal ang seguridad ng Santo Papa at ang kaligtasan ng bawat isa mula sa karahasan.

Ayon kay Cardinal Advincula, dapat rin ipanalangin ang pagpapabago ng mga indibidwal na nagpapalaganap ng kasamaan at kapahamakan ng kapwa.

Nabatid na may ipinadalang sulat sa Santo Papa na naglalaman ng tatlong bala ng baril.

“Ipanalangin natin na hipuin ng Diyos ang puso ng mga taong naghahasik ng takot, karahasan, kasinungalingan at lumalabag sa karapatang-pantao,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sa ulat mula sa awtoridad ng Milan Italy, taglay ng envelope ang French stamp na naka-address sa “The Pope, Vatican City, St. Peter’s Square in Rome. May laman itong tatlong bala ng 9mm na baril at mensahe kaugnay sa financial operations ng Vatican.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan isang hindi pina¬ngalanang French national ang suspek.

Magugunita na noong Mayo 13, 1981 nang barilin si Saint John Paul II sa St. Peter’s Square habang nagsagawa ng kanyang lingguhang general audience. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.