Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May bagong bahay, kotse – Batang aktor sustentado ng mayamang bading

0 216

Malakas ang bulong-bulungan na may gay benefactor raw ang isang young actor ng network. In fairness sa young actor, isa ito sa tila pinu-push ng kanyang network at masuwerteng napagkakatiwalaan ng malalaking role.

Pero ‘yun lang, sigurado raw sila na hindi pa ito kumikita ng malaki. Lalo na raw ngayong pandemic na given naman daw na may bawas talaga ang mga dating regular talent fees sana ng mga artista, e, lalo pa raw ang young actor na masasabing nagsisimula pa lamang talaga.

May hinala sila kung sino ang gay benefactor ng young actor. Simula raw kasi nang maging isa ito sa endorser ng isang brand (isa—meaning, hindi niya solo ang endorsement kung hindi napakarami nila rito), halos sabay-sabay na nakabili raw ito ng sariling bahay, mamahaling motor at mamahaling sasakyan.

Kaya ang tanong nila, “Paano?!” (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.