Una sa Balita

May bago nang armas si Alas

0 1,239

MAY bagong armas si Kevin Alas sa kanyang laro: Ang tumatalas na outside shooting.

Kasama ang NLEX guard na si Alas sa 14-man Gilas lineup na bitbit ni coach Chot Reyes sa pagdayo sa Melbourne para harapin ang Australia sa window 2 ng 2019 FIBA Cup Asian Qualifiers.

Iti-trim sa 12 ang lineup na ipaparada na bukas, Pebrero 22.

Kung masasama sa final roster si Alas, malaking bagay ang kanyang tira sa long range laban sa mas matatangkad na Boomers.

Pati ang coach ni Alas sa Road Warriors na si Yeng Guiao, napapahanga sa bilis ng improvement ng fourth year guard na second pick overall ng Rain or Shine noong 2014.

Kilalang slasher, ngayon ay isa nang outside threat.

“I’ve been asking him to take outside shots from early in the mor­ning in practice, and practice those outside shots,” rebelasyon ni Guiao. “I did not expect that it would take dividends this early.”

Sa huling apat na laro ng NLEX sa PBA Philippine Cup – lahat panalo – ay naka-20 attempts si Alas mula sa labas ng arc. Sa unang dalawang salang ay 0-for-5, sa pangatlo ay 2-of-3, at sa pang-apat nito lang Linggo sa Philippine Arena ay 5-of-12.

“I’ve been telling him he’s just under-using his outside game,” dagdag ni Guiao. “Medyo nagre-rely siya masyado du’n sa slashing abi­lity niya and defenses were already sagging off him.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy