Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May-ari ng Colette’s Buko Pie patay sa COVID

0 25

Pumanaw na si Colette dela Cruz na siyang pinaghanguan ng pangalan ng sikat na “Colette’s Buko Pie” na madalas dumugin ng mga biyahero sa Tagaytay at Laguna.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Tonyo Cruz, schoolmate ng nasawing entrepreneur sa UP Los Baños, na pumanaw si Colette dahil sa COVID-19.

Ani Cruz, naisugod pa sa intensive care unit ang 46 anyos at na-intubate pa noong nakaraang linggo.

Dahil sa biglaang pagpanaw, naulila aniya ni Colette ang tatlo niyang anak at ang kanyang erpat na si Plaridel dela Cruz na isang konsehal sa San Pablo City, Laguna. (VA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.