Una sa Balita

May-ari ng BCA na nanunog ng mga school bag, pinagbakasyon ng DepEd

By
0 346

INATASAN ng Department of Education (DepEd) ang may-ari at administrator ng Bicol Central Academy (BCA) sa Libmanan, Camarines Sur na mag-leave muna habang iniimbestigahan ang ginawang pagsunog sa bag ng mga estud­yante ng paaralan.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, inatasan na niya si DepEd Region 5 Director Gilbert Sadsad na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa kaso ng panu­nunog ng bag ng mga estudyante, sa utos ng may-ari ng eskuwelahan na si James Jaucian.

Kahapon nang umaga ay nagtungo na si Sadsad sa nasabing paaralan kasama ang ilang gui­dance councilor upang magbigay ng psycho-social first aid sa mga apek­tadong estudyante.

Abante Hiring – IT dep

Matatandaang kamakailan ay nag-viral sa social media ang naganap na pagsunog ng bag at mga personal na gamit ng mga estudyante habang sinisigawan ang mga ito at sabihan pa ng stupid ni Jaucian, isa ding konsehal ng Ikalawang Distrito ng Libma­nan, .

Nag-ugat ang insidente sa tinatawag na Tasumaki Day ng eskwelahan kung saan sinabihan ang mga estudyante na magsuot ng formal attire at pinagbawalan silang magdala ng mga bag pero pwede ang pouch.

Pero nagdala umano ng mga bag ang mga estudyante dahil kailangan nila ng pamalit na damit na gagamitin naman sa ibang school activities.

Nagalit si Jaucian nang makita ang mga bag at inutos nito na kumpiskahin ang mga ito at pinalinya ang mga estud­yante sa quadrangle.

Kabilang sa mga gamit na nasa loob ng sinunog na mga bag ang mga laptop at cellphone.