Una sa Balita

May alam sa korapsyon pasok lang sa Malacañang – Digong

By
0 1,616

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taumbayan partikular ang mga may reklamo sa korapsyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan na magsadya lamang sa kanya sa Malacañang at makasisigurong isisingit ito sa kanyang schedule.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na bilang bahagi ng kanyang anti-corruption campaign ay bukas ang kanyang tanggapan sa mga magsasabing may alam silang mga opisyal na sangkot sa katiwalian.

Muli namang ipinaalala ng Pangulo na ang natalo sa bidding ang siyang nagreklamo hinggil sa Frigate pro­ject.

Ayon sa Pangulo, hanggang ngayon ay wala pa ring order of delivery ang nanalong bidder dahil nag-away na sina dating Philippine Navy chief Joseph Mercado at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Binigyang-diin ng Pangulo na naaprubahan ang deal noong panahon ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin sa ilalim ng administrasyong Aquino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy