Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maxine, Winwyn nairita kay Gloria

0 893

Nairita sina Maxine Medina at Winwyn Marques kay Gloria Diaz. At sa sobrang galit nila, nilayasan nila ito.

Anyway, nangyari `yan sa shooting ng iWant original series na “Beauty Queens”. Pero siyempre, part `yan ng kuwento, at hindi sa tunay na buhay.

Well, rumampa nga bilang mga reyna ng kagandahang ang real-life titleholders na sina Gloria, Maxine, Winwyn, kasama sina Ross Pesigan at Maris Racal, sa iWant original series na “Beauty Queens”.

Six-part series ioto, na kung saan ay pangarap ng Miss Universe 1969 na si Dahlia (Gloria) na maipasa sa kanyang mga babaeng anak ang titulong Miss Universe.

At sa pagkahumaling ni Dahlia na maging beauty queen ang mga anak niya, hindi niya napagtanto na iba-iba pala ang mga gusto nilang gawin sa buhay.

Maglalayas si Daisy (Maxine) para maging madre, magiging aktibista at mabubuntis naman si Tingting (Winwyn), habang ang bunso at unico hijo niyang si Rico (Ross) ang tanging yayakap sa pangarap na maging beauty queen at itatanghal na Miss Gay Universe.

Maaayos pa kaya ni Dahlia ang relasyon niya sa mga anak niya?

Ang “Beauty Queens” ang kauna-unahang iWant original ng award-winning director na si Joel Lamangan. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.