Una sa Balita

MAXINE, PAMATAY ANG PAG-AURA SA DAGAT!

By
0 6

Tag-ulan na nga, at sinasamantala na ni Maxine Medina ang pagkakataon na maglublob sa dagat, habang may nararamdaman pa siyang init sa katawan.

💋 credits to @thenewgirldar

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

Ang summer nga yata ang pinaka-favorite na panahon ni Maxine, at makikita `yon sa kanyang Instagram account na halos lahat ng mga photos niya, naka-swimsuit siya, at nasa dagat talaga.

Para ngang hindi nauubusan ng okasyon si Maxine para maglublob sa dagat, ha! Na para siyang bata na masayang-masaya kapag naglulublob sa dagat.

At siyempre, sa recent trip niya sa dagat pa rin, ang boyfriend na si Marx ang kasama niya.

At sabi nga niya, si Marx ang kanyang favorite pinoy actor, na understandable naman.

Anyway, marami nga ang nagsasabi, na kahit wala na ring korona si Maxine, mas ngayon nga lumalabas ang kanyang sex appeal.

Mababasa sa IG account niya ang mga comments ng mga boys, na lahat talaga ay sumasaludo sa alindog niya.

Ang skin naman ni Maxine ang medyo kinaiinggitan ng mga kababaihan. Ang bongga nga raw ng kulay ng dalaga, na Pinay na Pinay, na parang kumikinang.

At kahit hindi man busog na busog ang dibdib ni Maxine, ang pag-a-awra niya ang nagdadala, para lumutang talaga ang kaseksihan niya.

Pamatay nga ang pag-aura ni Maxine, na kayang-kaya niya ang ilabas ang sex appeal niya sa bawat anggulo ng kamera. At for sure, madadala niya ‘yon once na sumalang na siya sa paggawa ng pelikula.