Una sa Balita

Maxine, malaki ang chance sa Miss U! Sey ni Pia W!

By
0 153

Masayang nag-share ng kanyang naging bonding with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang reigning Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina. Nagkasama sila sa nakaraang birthday ni Pia at marami raw nabigay na tips ito sa kanya para sa nalalapit na Miss Universe Pageant na gagawin dito sa Pilipinas in January 2017.

“It’s fun kasi nafi-feel ko na ‘yung excitement eh, hindi na ‘yung pressure kasi from Pia, well it’s a secret pero marami siyang sinasabing tips sa akin.

“May ano siya, may one phrase, ‘You got this.’ ‘Yun sabi niya sa akin,” ngiti pa ni Maxine.

Magkasama rin ang dalawang beauty queens sa event ng UNICEF para gunitain ang National Gay Men’s HIV and AIDS Awareness Day.

“Sobrang nakakatuwa kasi siyempre it’s about HIV and AIDS tapos marami akong nalaman.

“Marami akong knowledge na na-keep so parang sabi ko, ‘My God, now I know my ­advocacy’ and sobrang na-enlighten talaga ako,” diin pa niya.

Sa tanong kung may alam ba siya sa lovelife ngayon ni Pia dahil nali-link ito ngayon sa race car driver na si Marlon Stockinger, sagot ni Maxine ay wala naman daw nababanggit si Pia.

“I just want her to enjoy her reign first eh. Para sa akin, after that reigning, I wanted to hear from her na ‘Sige, I’m ready to have a love life.’

“In real life, career naman talaga ang first muna and everything will follow,” pagtatapos pa ni Maxine.

Kelan lang ay nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Marlon at may caption pa ito na “My favorite Swiss”. Ganu’n din ang Fil-Swiss race car driver na nag-post ng photo nila ni Pia sa IG at nilagyan niya ng caption na: “NY-Manila with this one @piawurtzbach”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More