Una sa Balita

Maxine, bina-bash sa ‘comparison’ kay Pia!

By
0 132

Kahit na sobra ang pressure na nakapatong sa balikat ngayon ni Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina dahil sa Pilipinas nga gaganapin ang Miss Universe, confident pa rin ito na puwedeng magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas sa naturang beauty pageant.

Ang bansang Venezuela pa lang ang naka­kagawa ng back-to-back win noong 2008 (Dayana Mendoza) and 2009 (Stefania Fernandez).

May mga bashers na nga raw si Maxine dahil kinukumpara siya kay Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Na kesyo ang layo-layo ni Pia kay Maxine, na in terms o beauty, lutang na lutang si Pia, kaya wala talagang chance si Maxine sa Miss Universe next year.

Pero, ang maganda nga lang kay Maxine, dahil alam niyang nasa ulo na niya ang korona, deadma na lang siya.

At para sa kanya, magkaibigan sila ni Pia at ito ang hinihingan niya ng advice parati.

“Pia is different, Maxine is different so I think we have different paths na pwedeng mailabas sa Philip­pines,” pagtapos pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More