Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maxene todo iyak sa IG

0 1,141

Dahil sa ipinost ni Maxene Magalona na video niya na iyak nang iyak habang ang background music ay ang “So Go Easy On Me” ni Adele, ang daming nag-comment at naging concern sa kanya.

Iniisip na may matindi siyang pinagdadaanan. Nag-comment pa sa kanya ang kaibigang si Angelica Panganiban. At sinabi nito na, “I’m proud of how strong you are my sizzy. Mahal kita.”

At sa reply ni Maxene rito, pinasalamatan niya sa mga payo raw sa kanya. “Mahal na mahal kita sizzy. Salamat sa mga payo at paalala.”

At puro “akap,” tight hugs” na comment mula kina Camille Prats, Danica Sotto, Max Collin at Glaiza de Castro.

At dahil ang daming naging concern sa crying video post niya, nag-post na ito ng message ngayon na okay lang naman daw siya.

Aniya, “Hi! I’m okay! And even on days when I’m not okay, that’s okay also. It’s okay not to be okay all the time, okay??

“Sending you all so much love, peace and kind kisses.”

Sa isang banda, mukhang nakabalik na ng Manila si Maxene from her Bal, Indonesia trip. At kung pagbabasehan ang mga posting niya, gayundin ng estranged husband niya na si Robby Mananquil, tila walang trace na nagkita sila (not unless hindi lang sila nag-post) kahit na nasa Bali, Indonesia rin ito. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.