Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maxene paseksi sa fund raising

0 851

Layunin ng Star Magic na makalikom ng pondo para makatulong sa mga kapus-palad ngayong pandemya. Sunod-sunod na nag-post ang kanilang mga hawak na artista tungkol sa proyektong isinasagawa nito ngayon.

Isa sa pinakahumakot ng atensyon ng mga netizen ay ang entry ng aktres na si Maxene Magalona dahil sa super sexy na entry nito kumpara sa iba na simple o cute lamang ang entry.

Naka-white polo na half at bikini panty lang kasi ito habang nakaupo’t nagbabasa ng libro. At mukhang effective nga ang pa-sexy entry ng aktres dahil sa dami ng nag-comment na magdo-donate sila. (Athena Yap)

Leave A Reply

Your email address will not be published.