Una sa Balita

Maxene hinamon nang hubaran ang mga fan

By
0 3,751

Going viral ang very short video clip ngayon ni Maxene Magalona kung saan ay naka-towel tapos bigla niyang tinanggal ito at inilaglag. Kumekendeng-kendeng pa ito na nakangiti habang nakabuyangyang ang makurbadang body niya, huh!

Abante Hiring – IT dep

 

Ginawa niyang isang challenge ang kanyang dare to bare na tinawag nga niyang #TowelDropChallenge at hinahamon nga niya ang kanyang mga kaibigan to do the same thing.

At bongga, huh! May papremyo pa siya! Ang mapipili ay magwi-win ng trip to Siargao for two kapag sumali nga raw sa kanyang movement for body positivity by posting nga raw ang kanilang towel drop challenge video.

May mga nag-respond na rin ba?

‘Yun ang aalamin sa mga susunod na araw, pero ang video challenge na ito ni Maxene ay umaabot na ng more than 80K likes at 2K na comments.

Napahanga rin ang actress-singer na si Vina Morales na hindi mapigilang mag-comment na pagiging sexy ni Maxene.