Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Max ligtas na sa omicron

0 45

Nag-open-up na rin ang Kapuso actress na si Max Collins na isa rin siya sa nag-positibo sa COVID-19. Upon checking on her, sinabi niyang okay na raw siya as well as her family ngayon.

Bukod kay Max, nag-positive rin ang mommy, kapatid niya at gayundin ang anak nila ni Pancho Magno na si Skye.

Natatandaan pa namin nang maunang mag-positive ang mga kaibigan ni Max na ayon dito, may nahawa na dala ni Poblacion girl na omicron.

Since then, hindi na talaga lumabas ng bahay si Max. Pero ‘yun nga, mabangis talaga ang omicron dahil still, hindi rin nakaligtas si Max and her family.

Nag-Instagram stories ito at nagtatanong sa kanyang mga follower na, “We already recovered from covid—should we do a vlog? Send your questions!”

Actually, ang dami pang kasabayang celebrities ni Max na nag-positive at ang iba ay positive pa rin hanggang ngayon, pero tahimik lang. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.