Una sa Balita

Mavy Legaspi ginamit ang TikTok sa pagtulong mga frontliner

0 564

Sino ba naman ang hindi magiging proud mom gaya ni Carmina Villarroel sa anak nitong si Mavy Legaspi na patuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan sa panahon ngayon ng krisis. Hindi man kasi makalabas ng bahay dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, ginamit ni Mavy ang social media para makalikom ng donasyon at tulong para sa mga COVID-19 frontliners.

Pinangunahan ni Mavy ang Something New dance challenge na viral ngayon sa TikTok at hinikayat ang kanyang mga kaibigan sa industriya na mag-participate. Ang hindi alam ng kanyang mga friends na sumali sa dance challenge, sa bawat tao na sasali ay magdo-donate si Mavy ng PhP 1,000 at sa huli ay nakalikom ito ng mahigit PhP 30,000 na ibabahagi raw niya sa mga magigiting na frontliners ng bansa.

Ilan sa mga sumali ay sina Ruru Madrid, Andre Paras, Gabbi Garcia, Miguel Tanfelix, Kate Valdez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, EA Guzman, Valeen Montenegro, Ysabel Ortega, Klea Pineda, Mark Bautista. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More