Maute sister, 2 pa balik-CDO

By

Walang ibinibigay na direktiba si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na dalhin sa Metro Manila ang tatlong katao na naaresto sa Iloilo port kamakalawa kung saan isa rito ay kapatid na babae ng Maute brothers.

Sinabi ni Dela Rosa sa pagdalo nito sa paggunita ng kaarawan ni Gat Jose Rizal sa Calamba Laguna, ang tanging kautusan niya ay dalhin sa Cagayan de Oro ang mga dinakip para doon iproseso ang pagsasampa ng kaso.

Kinilala ang mga inaresto na sina Aljajid Pangumping Romato, 20, ng Sabayle, Iligan City; kapatid na si Farida Pangumping Romato, 23, ng Carmen, Cagayan de Oro; at Abdulrahman Serd Dimakutah, 25, ng Lanao del Sur, na kasintahan ni Farida.

Gayunman sinabi ng PNP chief na sakaling hindi kayang bigyan ng sapat na seguridad ang tatlong suspek ay saka pa lamang siya magpapasya kung ililipat ang kustodiya ng mga ito sa Metro Manila.

SHARE