Una sa Balita

Mausoleum ni Khomeini inatake

By
0 9

Inatake ng tatlong armadong kalalakihan ang Tehran’s parliament building at ang mausoleum ng revolutionary founder Ruhollah Khomeini sa Iran.

Nabatid sa isang miyembro ng parliament na ilan ang nasugatan sa ginawang pag-atake ng tatlong suspek, pawang armado ng rifles at pistol sa parliament complex sa central Tehran.

Sa ulat ng News agencies na ISNA at Fars tatlong katao ang binaril, kabilang ang isang security guard sa mausoleum na may 20 kilometro ang layo sa parliament building.

Naging target rin ng pag-atake ng Sunni jihadists, kabilang na ang Islamic State Group ang Shiite Iran.

Nalaman na nagkaloob ang Iran ng mala­king bilang ng ground forces laban sa IS at iba pang rebel group sa Syria at Iraq.