Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Mauna na kayo’ Boy Abunda pinatay sa YT

0 89

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, binigyang-linaw ni Boy Abunda na obviously, hoax o fake news ang kumalat na siya ay pumanaw na.

Nagulat daw ito nang ang daming nagtatawagan sa kanya. Maging ang longtime partner na si Bong Quintana, kahit nasa iisang bahay sila. Nasa itaas ito at nasa ibaba naman si Kuya Boy that time ay tumawag sa cellphone niya para lang daw marinig talaga ang boses niya.

Sabi ni Kuya Boy, “’Yung balita, pumanaw na raw si Boy Abunda dahil sa komplikasyon sa sakit. Specific pa po ang balita dahil sa diabetes, sakit sa puso at marami pa pong iba.

“Ang balita po, ang pagkakasulat ay hindi masama. It’s not actually degrading, it’s not insulting. Pero ang problema, isang malaking kasinungalingan dahil pinapatay na nila ‘ko, eh, buhay na buhay pa ako.”

Binanggit din ni Kuya Boy ang mismong YouTube site na nag-upload o post na siya ay patay na.

“Alam niyo po ako, nasanay na rin ako. I’ve been into this before. I’m in the public realm. Nasanay na po tayo do’n sa totoo at hindi totoong nababalita.

“Hindi ko ugali, it’s not of my habit to answer these things. I am only talking now because my family, my sister, Congresswoman Fe Abunda was here in my house yesterday, she seems worried. Kahit na ako na ang kausap.”

Sey rin niya, ano raw ba ang intensiyon ng page na ito?

“It is about money or a few hundreds or views or produkto ng sick man.”

Kaya warning niya, sana raw maging careful ang netizens sa mga nababasang fake news. At hirit na lang ni Kuya Boy sa mga ito, “Pinapatay na nila ‘ko. Mauna na kayo. Hindi naman ako nagmamadali. ‘Wag tayong mag-imbento ng buhay ng may buhay. Buhay ko po ito at hindi niyo buhay.”

Kylie umamin sa madilim na karanasan

May pa-‘Share a secret’ si Kylie Padilla sa kanyang Instagram Stories. Sini-share niya ang mga shinare na secret sa kanya ng random followers niya.

‘Yung ilan dito, sinasagot ni Kylie na tipong hugot din niya sa sarili, either pinagdaanan or napagdaanan.

May nag-share na ‘I honestly don’t know how it’s like to be in a healthy relationship.’ Tila naka-relate si Kylie sa nag-share dahil sabi niya, “Work on your growth, your self worth. Once you learn how to treat yourself right and once you learn to identify your own trauma and pain you will learn to distinguish between toxic and healthy. Pero kung gusto mo mag-heal, it’s worth it. I’m on my own journey now.”

Inamin din ni Kylie sa naging reply niya sa nagtanong sa kanya na lagi raw naiisip nito ay ang mamatay. Na baka raw mas kumportableng mamatay kesa mabuhay.

Sabi ni Kylie, “There was a time all I had was thoughts of death and what comes next. It caused a lot of anxiety. All you ever have is this moment.”

Sinagot din niya yung nag-confess sa kanya na gusto na raw nitong mawala, natatakot lang daw para sa mga taong maiiwan niya.

Na naramdaman at pinagdaanan din daw ni Kylie. Aniya, “Whenever I feel this I tell the closest people to me and I ask them just to hold me until the feeling passes. Minsan nao-overwhelm lang tayo sa mga bagay bagay.

“Let the moment pass. You will feel better,” sey na lang niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.