Una sa Balita

Mauna Kea sa Hawaii ‘di nalilimutan ni Kalei

0 261

HINDI lang sa paglalaro ng volleyball todo-bigay si Fil-American Kalei Mau ng F2 Logistics Cargo Movers.

Mabangis siya sa court, pero malambot sa isyu ng kalikasan.

Dalawang laban ang kasalukuyang tinatahak ng malupit at tigasing netter, kahit malayo ay nakikiisa si Mau sa mga nagpo-protesta sa Honolulu, Hawaii.

Umiinit ang tensyon sa pagitan ng gobyerno ng Hawaii at militanteng katutubo dahil sa binabalak na pagtayuan ng billion-dollar telescope sa Mauna Kea, isang dormant na bulkan sa Hawaii na pinagmulan ni Mau.

Bilang pagsuporta sa kanyang pinanggalingang lugar, isinulat ni Mau sa likuran ng kaliwang palad ang mga katagang ‘Aloha Aina’ na ang ibig sabihin ay “Love of the Land”.

At habang naglalaro ay winawagayway nito ang kanyang kamay upang ipakita ang suporta nito sa kanyang mga kababayan sa Hawaii.

“Doing what I can from the distance. I Stand for Mauna Kea,” saad ni Mau sa kanyang Twitter account.

Ayaw ng mga native Hawaiian, ang Mauna Kea ay isang sagradong lugar.

Subalit may mga pumapabor na dapat ay ituloy ang balak ng gobyerno para sa ikabubuti rin umano ng bansa. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy