Una sa Balita

Maulan hanggang Biyernes

By , ,
0 122

Posibleng magpatuloy pa hanggang sa Biyernes ang mga pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Pinalalakas pa umano ng bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang epekto ng habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Huling namataan ng weather bureau ang bagyong may international name na “Noru” kahapon sa layong 1,575 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng dulong northern Luzon. Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro kada oras sa direksyon ng hilagang kanluran.

Samantala, dahil sa patuloy na pag-ulan, sinuspinde kahapon ang panghapong klase sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa tatlong probinsya ng Calabarzon, partikular sa Cavite, Laguna at Rizal.

Pitong subdibisyon sa Cainta, Rizal ang lumubog sa hanggang bewang na baha, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Binaha rin ang mga pangunahing lansangan tulad ng Ortigas Avenue Extension at Marcos Highway sa Cainta. Gayundin ang kahabaan ng Rizal Avenue sa Taytay, Rizal. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy