Una sa Balita

Maui Taylor natulala sa kaguwapuhan ni Baste Duterte

By
0 2,956

Bongga pala ang Barangay at SK elections sa Davao, dahil hanggang doon ay umabot si Maui Taylor para mangampanya.

Nag-post nga si Maui ng picture niya sa Instagram na kasama ang presidential son na si Baste Duterte. At inamin nga niya na medyo natulala siya nung una niyang makita si Baste.

“Starstruck! Pleasure meeting you tonight, thank you! @sebastianduterte,” captio ni Maui sa picture nila ni Baste.

Tanong ni hala_ka_kirt “Ano ginawa mo dito sa Davao Idol?”

Sagot ni Maui, “@hala_ka_kirtbaranggay campaign po:)”

Bongga, di ba? Pero malay naman natin kung kamag-anak ni Maui ang ikinampaniya niya sa Davao, di ba?

Anyway, marami nga ang nakapansin na mas guwapo si Baste ngayon. Matagal na rin kasing hindi nakikita sa publiko si Baste. Kaya mas guwapo nga raw ang dating niya ngayon, dahil nagpaputol na rin siya ng buhok.

Malakas pa rin ang sex appeal ni Baste lalo na sa mga kababaihan na bet na bet ang pagiging misteryoso niya.

iampoipoi “Gwapo na kaayo c Baste!”

curlygutz “I’m sure sya na-starstuck sayo sis.”

kuya_carlos “Grabee parang ang baby pa rin ng hitsura mo Maui.”