Una sa Balita

Mau ‘missing piece’ ng F2 Logistics

0 324

Team Standings: W L
F2 Logistics 3 0
Petron 2 0
PLDT 2 1
Generika-Ayala 2 1
Cignal 1 0
Foton 1 3
Sta. Lucia 1 3
Marinerang
Pilipina 0 4
Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:15pm — PLDT vs Cignal
7:00pm – Petron vs F2 Logistics

MAGKU-KRUS ang landas ng dalawang heavyweight at mahigpit na magkaribal na Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Parehong walang dungis ang karta, pero tiyak na isa sa kanila ang mamantsahan pagsalpok nila sa alas-siyete nang gabi.

Tangan ang 3-0 card, muling kakapitan ng Cargo Movers ang bagong miyembro na si 6-foot-2 at dating Arizona star Kalei Mau para masilo ang pang-apat na sunod na panalo.

“She’s the missing piece to the team because we didn’t have a go-to-guy like her for the past conference,” hayag ni F2 Logistics coach Ramil De Jesus.

Makakatuwang ni Mau sina Ara Galang, Aby Marano, Majoy Ba­ron, Kianna Dy, Michelle Cobb at Dawn Macandili.

Hawak naman ng Blaze Spikers ang 2-0 karta, pero hindi masyadong nasisiyahan si head coach Shaq Delos Santos sa ipinapakitang laro ng kanyang mga bataan.

Ibabangga ng Blaze Spikers sina captain Frances Molina, Cherry Ann Rondina at middle blockers Remy Palma at Mika Reyes. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy