Una sa Balita

Mau, F2 malinis; Petron umahon

0 274

WALA pa ring bahid ang powerhouse F2 Logistics Cargo Movers matapos silang akbayan ni Fil-Ame-rican Kalei Mau sa 25-22, 25-3, 25-12 panalo kontra Sta. Lucia Lady Realtors kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Patuloy ang pagmasaker ng Cargo Movers sa mga kalaban kaya naman nailista nila ang malinis na walong panalo at tumibay ang kapit sa tuktok ng liderato.

Nagtala si Mau ng 13 points habang bumakas si Ara Galang ng 11 puntos at 15 digs para sa F2 Logistics na ipinalasap sa Lady Realtors ang pang-walong talo sa siyam na salang.

Ipinaramdam ng Cargo Movers ang kanilang lakas nang pahintulutan lang ang Sta. Lucia na maka iskor ng tatlo sa second set.

“I was surprised. I didn’t expect that huge rout in the second set,” saad ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus. “We didn’t have a service error in the second set and Sta. Lucia failed to pass the ball.”

Samantala, umahon sa dalawang sets na pagkakalubog ang Petron Blaze Spikers matapos kalusin ang Cignal HD Spikers 17-25, 21-25, 25-11, 25-17, 15-10 sa pangalawang laro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy