Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mau, F2 Logistics sabik bumomba

0 101

Handa nang humambalos sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League si F2 Logistics Cargo Movers ace skipper Kalei Mau sa pagsisimula ng torneo sa darating na Sabado.

Ilang throwback photos at clips ang ibinahagi ng 26-year-old volleybelle sa kanyang Instagram at inihayag ang kanyang pananabik para sa torneo.

“Who’s ready for the first @f2cargomovers game day since March 2020!?” sey ni 6-foot-2 Mau. “We Are.”

Bilang paghahanda sa torneo, sa Batangas nagpaglakas at nag-ensayo ang panig ng Cargo Movers.

Unang makakaharap ng Cargo Movers sa opening day ng Champions League sa Sabado sa Aquamarine Sports Complex sa Lipa City ang panig ng California Precision Sports. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.