Una sa Balita

Mau, F2 bigay-todo sa Game 2, korona

0 271

Humugot ng lakas ang F2 Logistics kay Fil-Ameri­can Tyler Marie Kalei Mau upang sikwatin ang 25-22, 25-23, 18-25, 17-25, 15-8 panalo laban sa Cignal sa 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 best-of-three finals game 1 Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nakatuwang ni Mau sina Abigail Marano at Victonara Galang para makuha agad ang panalo sa set 1 at 2, pormang ta­tapusin ang laban sa third frame ng Cargo Movers pero pumalag ang HD Spikers at nakapuwersa ng fifth set.

Humarurot agad ang F2 sa simula ng decider,­ hinawakan nila ang seven-point lead, 13-6 para tapusin ang laro at mamuro sa pagsilo ng korona sa talbog ng Game 2 bukas ng alas-7:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pahirapan ang panalo ng Cargo Movers sa set two tapos sabayan ang tikas ng HD Spikers.

Muling kumalas ang Cargo Movers, 21-16 pero kumapit ulit ang HD Spikers, 23-All bago tinapos ng F2 Logistics ang laro at makalamang ng dalawang sets papasok sa third set. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy