Una sa Balita

Matuto sa aral ng Edsa – Risa

By
0 3,964

HINIKAYAT ni Senador Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte na matuto mula sa aralin ng kasaysayan ng Edsa People Power na lumaban sa authoritarianism.

Iginiit ni Hontiveros sa Pangulo na kalimutan na ang ambisyon nitong maging diktador at buma­lik na sa pagpapatupad ng demokrasya.

Dapat anyang isipin ng Pangulo na hindi katanggap-tanggap ang diktaturyang pamamahala sa bansa.

“President Duterte should read the writing on the wall and learn from our history. It’s not possible to have a sustainable dictatorship, not even his so-called ‘Dutertismo.’ Sooner or la­ter, it will collapse beneath the weight of its own contradictions. That is the fate of all dictatorships. This is what Edsa taught us. Democracy always pushes back. No would-be dictator can outlast democracy,” saad ni Hontiveros.

Mapatutunayan anya ng 1986 at 2001 Edsa people power uprisings ang democratic tradition ng mga Pinoy.

“In just the span of 15 years, the country had two popular uprisings that toppled a dictatorship and an abusive and corrupt government. That is no small feat. It is a testament to the Filipino people’s strong democratic instinct,” dagdag ni Hontiveros.

Sinabi ito ng senador sa bisperas ng ika-32 anibersaryo ng Edsa People Power.

Tulad ng mga naunang ginawa ng Pangulo, hindi ito dadalo sa selebrasyon ngayong araw.

Katuwiran ng Pa­ngulo, wala naman siya noong 1986 revolution kaya hindi siya makikisawsaw dito, bagkus ay magpapahinga na lang sa Davao City.

Si Duterte ay kilalang kaibigan ng mga Marcos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More