Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Matuto kayo kay Mayor Vico’ Pokwang naawa sa pagpila ng mga senior sa ayuda

0 127

Puring-puri ni Pokwang si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa mga sinabi nito na…

“Hindi po kami mamimili kung sino ang bibigyan. Basta pamilya na taga-Pasig, bibigyan po namin. Hindi kailangan na botante. Wala nang mga requirement na ganun. Basta residente ng Pasig bibigyan po.”

“Ayan… ganito dapat! Ito ang tama! #matutomulasabata. Mabuhay kay Mayor Vico Sotto!” sabi ni Pokwang.

Pabor nga si Pokwang na dapat ang mga politiko rin ang nagpupunta, nagbabahay-bahay para ipamigay ang mga ayuda ngayong nasa MECQ nga ang ilang bahagi ng Pilipinas.

“Oo nga naman kapag eleksyon sipag mag house to house para manligaw ng botante! Tapos sa halagang 1k, 2k, 4k na ayuda pinapipila nyo ang tao? LGU woohoo baka pwede naman mag bahay, bahay nalang kayo kawawa lalo na mga seniors na pumipila ano baaaa?” sabi pa ni Pokwang.

May katuwiran, di ba? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.