Una sa Balita

Matthysse tulo-laway kay Pacman

By
0 2,676

KURSUNADA ni Argentinean puncher Lucas Matthysse ang makipagbakbakan kontra 8-division world champion Manny ‘ The Pacman’ Pacquiao.
 
“I hope the Pacquiao fight happens for me,” wika ni Matthysse nang malamang nais din siyang makasagupa ng 39-anyos na si Pacquiao.
 
Galing si Matthysse sa 8th round TKO win kontra Tewa Kiram sa The Forum sa Los Angeles, California noong isang buwan para angkinin ang ‘regular’ version ng WBA welterweight title.
 
Kasunod nito, natatakam na si Matthysse (39-4, 36 KOs) sa bakbakan kontra Pacquiao ngayong 2018.
 
Sa panig ni ‘The Pacman’ (59-7-2, 38KOs), interesado rin ito na makaharap si Matthyse pero agad na sinupalpal ng kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank Promotions.
 
Nais ni Arum na isabak si Pacquiao sa dati ring kampeon na si Mike Alvarado ngayong Abril.
 
“I see he has talked about fighting Matthysse. But that’s not gonna happen,” bulalas ni Arum.