Una sa Balita

Matthysse dinibdib ang pagkatalo kay Pacman, nagretiro

By
0 1,234

ILANG buwan bago ang upa­kang Manny Pacquiao at Lucas Matthysse, nangako ang kampo ng Argentine ex-champion na pagrereteruhin ang fighting senator.

Ang resulta, siya ang nagretiro.

Pagkatapos ng 14-taong makulay na boxing career, inanunsiyo ni Matthysse, 35, ang pagreretiro Miyerkoles nang gabi, ilang linggo makalipas ang nakakahiyang 7th round TKO loss kay Pacquiao para mabitawan ang WBA welterweight belt Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa report na unang inilabas ng The Ring (www.ringtv.com), inihayag ni Matthysse sa Instagram post ang kanyang pag-iwan sa boksing.

“Thanks to boxing for changing my life,” hayag ni Matthysse sa mensaheng sinalin sa wikang Ingles.

“I am proud that I maintained my career for 10 years at the world level, where I fought with the best in boxing and I fulfilled my dream of being a world champion,” sabi pa ng tinaguriang ‘La Maquina’ na mayroong 39-5 (36 knockouts) marka.

“Thanks to all those who followed me in my career, for all of their love, because that is the most beautiful thing in this sport of boxing, which is a nice environment. Today, I decide to hang up the gloves because another stage in my life is coming. And many thanks to all of the people that I met thanks in bo­xing.”