Una sa Balita

Matteo tumaas ang ranggo sa PH Army

0 374

Sarah super proud:

Guess what? Level-up na ang aktor na si Matteo Guidicelli sa pagiging 2nd Lieutenant ng Philippine Army.

Napirmahan na nga ni President Rodrigo Duterte ang mga dokumento ni Guidicelli upang tumaas ang ranggo nito.

Dahil dito, sinabi ni Matteo na mas pagbubutihan pa niya ang pagbisita sa mga community upang mas umigi ang relasyon ng mga ito sa Army.

Natuwa at kinilig naman ang mga fan nang makita na ang nobya na si Sarah Geronimo ang kasama ni Matteo sa kanyang panibagong milestone imbes na ang kanyang pamilya.

Karaniwang ang naglalagay kasi ng pin ay miyembro ng pamilya, pero mas pinili ni Matteo na si Sarah ang magkabit nito sa kanya.

At bilang proud girlfriend, may nakakabit rin sa blouse ni Sarah na glittery pin na ang nakalagay ay “ARMY”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy