Una sa Balita

Matteo todo-hagikgik ‘pag si Sarah ang topic

By
Sarah Geronimo
0 25

Natiyempuhan namin noong isang araw ang IG Live ni Matteo Guidicelli.

Nakikipagtsikahan ito sa kanyang mga tagaha­nga sabay pag-imbita na rin sa kanyang upcoming concert.

Reminiscing the Star. #walkoffame

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

Halatang bagong gising si Matteo na hindi pa nakapag-shave, medyo magulo pa ang buhok, wala pang male foundation o make up, kaya mas lutang ang kanyang natural na kaguwapuhan.

Sobrang kinikilig ang mga netizens sa kanya na halos mahigit isang libo ang nanonood that time na puro papuri sa kaguwapuhan niya at may nagpapadala pa ng hugot lines.

Sinasagot naman ito ni Matteo na nakangiti at impit na hagikgik.

Sa mga nangungulit kung bakit wala sa tabi niya si Sarah, ngiti rin ang sagot niya sa mga ito. Natural, nasa bahay nila si Sarah G., huh!

Sa mga nangungumusta naman sa kanila, okey naman ang sagot ni Matteo.

‘Yung ibang makukulit na ay hindi na niya sinasagot pero binabasa na lang niya at ‘Hi’ na lang siya.

Anyways, marami talaga ang natutuwa na karamihan sa mga celebrities ay kinagigigliwan na rin ang IG Live dahil mas mabilis nga itong medium sa kung anumang gusto nilang iparating sa kanilang mga tagahanga.

Mabilis din itong medium para makapag-promote ng concerts, shows, movies, o makapagpaliwanag sa anumang isyu at updates sa araw-araw nilang activities.
Oo nga naman!

Bistek love ng mga beki, tibo

Lab na lab talaga ng mga bekis, tongrils, pa-gurlash, bulalo at mga operada si Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista. Paano naman, eh, sobrang mahal din niya ang mga kasariang ito at isa nga siya sa masugid na advocates ng LGBT community.

Bakit nga naman hindi, e, lumaki siya sa showbiz na napapaligiran siya ng mga ito, huh! Kaya, feel niya ang feeling­s ng mga kafatid, ramdam niya ang panga­ngailangan ng mga ka-confederacion, at embraced niya ang mga galing, talino at talento ng pa­ngatlong lahi nina Adan at Eva.

Kaya nga, tinatawag ang Quezon City bilang pinaka-gay friendly sa buong bansa hindi lamang dahil sa maayos na pagtrato sa mga ka-kongregasyon kung di maging sa batas na ipinatutupad par­a sa ­proteksiyon at pagrespeto sa mga karapatan namin, noh!

Katuwang si Councilor Mayen­ Juico ay siyang nag-author ng Gender Fair City Ordinance, mas luma­wak nga ang pagtrato ng patas sa aming lahi sa anumang lugar at sitwasyon sa buong siyudad.

Kaya nga, para mas bongga pa ang selebrasyon ng tunay na kalayaan at pagkilala sa mga karapatan ng mga badaf, fover and etc. etc., malaking­ pagtitipon ang kanilang inorganisa sa December 9, ang Quezon City Pride March 2017.

Sugod mga kafatid! Magpabonggahan na tayo at enjoy-enjoy sa madrama nating buhay, devah?