Una sa Balita

Matteo tinanggihang pakasalan ni Sarah

0 546

Napilitang pumasok sa military:

Wala pang isang linggo si Matteo Guidicelli, kinaaawaan na siya ng mga kasamahan niya sa 30 day scout ranger training niya, ha! Kinaaawaan hindi dahil hirap na hirap siya sa araw-araw na routine nila, dahil knowing Matteo, sa sobrang pagka-athletic niya, sanay na sanay ang katawan niya sa mahihirap na aktibidad.

Ang kuwento kasi, wala naman talaga sa plano ni Matteo na agad-agad ay pumasok sa military (scout ranger) dahil sa ganda nga naman ng career niya, sa rami ng offer na dapat niyang gawin.

Nu’ng huli naming nakausap si Matteo sa contract signing niya bilang talent ng Viva Artist Agency, sunod-sunod talaga ang gagawin niya. Una na riyan ang pelikula (na ang wish noon ay kasama si Sarah Geronimo), at siyempre ang recording na first love naman talaga niya.

At siyempre pa rin, hindi mawawala ang mga concert sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, at sa labas ng bansa.

So, ano nga ba ang nagtulak kay Matteo na pumasok na agad sa military (as reservist)? Bukod sa pagmamahal niya sa bansa, na sabi nga niya, ang pagsisilbi bilang military/scout ranger ang maliit na kontribusyon niya, at pagpapakita ng pagmamahal niya sa Inang Bayan, may iba pa bang dahilan?

Heto na nga ang kuwento, totoong-totoo naman daw na gusto nang magpa­kasal ni Matteo, o bumuo ng pamilya, at siyempre si Sarah ang bet niyang makasama habambuhay.

Kapag tinatanong nga si Matteo noon, nakangiti niyang sinasagot, na oo naman, gusto na rin talaga niya, at handa na rin naman siyang maging padre de familia, at si Sarah nga ang magiging misis niya.

Pero ang tanong, kelan nga? Na sasagutin niya ng ‘hintayin na lang’ na nakangiti.

Ang chicka nga, ginawa na talaga ni Matteo ang part niya, na alukin ng kasal si Sarah. Pero, ang siste, sumagot daw si Sarah na hindi pa ito handang magpakasal. Na marami pa itong planong gawin sa buhay niya, sa career niya.

Na maghintay-hintay pa ng ilang taon, at sa kasal din naman daw sila mauuwi. Na sa unang tingin, parang mahirap paniwalaan, na si Sarah ay tatanggi muna sa alok na kasal ni Matteo.

Eh, ‘di ba nga? Sa dami ng mga hakbang na ginawa niya ngayon, na ang layo na sa mga ginagawa niya noon, parang mahirap isipin na si Sarah, aayaw muna sa alok na kasal ni Matteo?

Pero, ‘yun nga raw ang usap-usapan sa loob ng training camp nina Matteo. Na para maging busy ito, at matuon sa ibang bagay ang isip niya, kaya pumasok na lang sa military training.

At siyempre ulit, ang sinisisi sa ganitong pagkakataon ay ang nanay ni Sarah, si Mommy Divine. Na diumano ay nakialam na naman, at siyang nasunod sa pagkakataong ‘yon.

Kung totoo ito, ang sad naman. Ang inakala ng lahat na palaban na si Sarah pagdating sa pag-ibig kay Matteo, biglang-bigla ay ganito na naman pala ang sitwasyon.

Naku, ‘wag naman sanang magbago ang takbo ng ihip ng hangin, ha! Na sa bandang huli, makahanap ng ibang mamahalin si Matteo.

Ang unfair lang kasi, na si Matteo ang madalas na sisihin ng mga fan, na bakit daw ayaw pa nitong pakasalan si Sarah! Na puro salita lang daw, pero wala naman daw ginagawa para magkatuluyan na sila ni Sarah.

Kung ganito ang kuwento, wala naman palang pagkukulang si Matteo.
Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy