Una sa Balita

Matteo-Sarah movie target ng Viva

For reel na!

By
0 507
 
 

 

Maaliwalas na ngiti ang bungad ni Matteo Guidicelli nang pumirma ng kontrata sa produksyon kung saan nakapirma rin ang long-time girlfriend na si Sarah Geronimo. Actually ang girlfriend niya talaga umano ang nangungunang dahilan ng kanyang paglipat ng produksyon. Bukas din, aniya, ang aktor na makatambal si Sarah sa movie lalo na’t mas mature o somehow ay lumevel up na raw ang relasyon nilang dalawa.

 

Mas nanabik naman ang mga tao na malaman kung kailan sila ikakasal ngunit nagbiro pa ang aktor na hindi lamang ang singsing sa viral na video ang ibibigay niya kay Sarah. Aba, mukhang kaabang-abang nga talaga ang magi­ging proposal ni Matteo para kay Sarah! 

 

Sa limang taong relasyon nila ay hindi pa nila na experience na magkasama sa isang pelikula kaya naman ang mga fan ay todo request na pagsamahin sila sa pelikula. Hindi pa kumpirmado kung tutuparin nga ba ito ng produksyon na pinagsasamahan nila ngayon pero malay natin?

 

Anyway, bonggang pasasalamat pa rin naman aktor sa previous family na kasama niya kahit na lumipat na siya ngayon at open parin umano ang aktor sa anumang opportunity. Hindi naman maitatanggi sa hitsura ng aktor ang excitement na makasama ang girlfriend sa iisang produksyon. Aba mukhang mas tututok na nga ang aktor sa relas­yon nila ngayon nasa iisang artist agency na sila.

 

Bukod naman raw sa girlfriend na si Sarah, open rin umano ang aktor makatrabaho ang iba pang mga artista katulad nina Yassi Pressman, Cristine Reyes at Anne Curtis.