Una sa Balita

Matteo, Sarah feeling bagong kasal

By
0 1,039

abante-paistaran-dondon-serminoParang video ng bagong kasal ang pinost ni Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account. Kung wala ka sa Pilipinas at hindi ka aware sa mga kaganapan sa showbiz, iisipin mo ngang kasal na sina Matteo at Sarah Geronimo, dahil sa video na ‘yon.

Well, video nga ‘yon ng pag-attend nina Matteo at Sarah sa ABS-CBN Ball, na pinasalamatan nga niya ang mga taong tumulong sa kanya para maging matagumpay ang gabing ‘yon.

“@markbumgarner, few years back I told you “bro I’ll be the first man you’ll make a suit for.” Then a few months back I called you “bro it’s time for the suit.” I’m just very grateful you agreed to create statement pieces for Sarah and I. You are magic mark. From the race track to the most successful fashion designer today. Proud of you brother,” panimulang chika ni Matteo.

At heto nga ang mas nakakakilig na caption…

“My love, You make my whole world stop. Thank you for supporting me. I’m always here for you. You were the most beautiful woman last night at the ball!!”

Kasunod ang pasasalamat niya sa kanyang kapatid, na akala mo ay ‘best man’ niya, ha!

“My brother @pguidicelli thank you for being with us braaaa!!!! I’m blessed to be surrounded by magic in my life. #abscbnball2018. For the FULL video click the link on my bio. @luisruizzzz.”

Well, halos lahat ng nakabasa, nakapa­nood ay ganun ang pakiramdam. Kasi naman, makikita sa video na sa simula ay nasa kama pa si Matteo, gumising at hinanda ang mga dapat gamitin.

Kuhang-kuha sa video kung paano siya nagsuot ng relo, at iba pang aksesorya. At makikita rin si Sarah na mini-makeup-an naman, at may mirror shot pa na naka-white gown nga siya.

Oh, di ba? Parang wedding video nga ‘yon. Kaya ang mga fan nila, nagkakaisa sa pagsasabing feel na feel na nila ang kasal.
kmdc06 “Wedding video feels.’

itsmejohairahdisoma “@mateoguidicelli I thought I am watching a wedding video,
right? @darrenespanto.”

khuletnisam “Wedding feels vibe video u two were stunning #asmatt.”

jmmmkeigh “Ahhhhhh, parang ikakasal lang whaaaaaaa.”

elphabeth “I hope and pray that you’ll end up together!”

Julius, Zen ayaw maging politiko

 

Mas liliwanag pa ang umaga tuwing Sabado at Linggo para sa mga Pilipino dahil mas pina­lakas pa ang ‘Magandang Morning with Julius and Zen’ ng mga batikang mamamahayag  na sina Julius Babao and Zen Hernandez sa DZMM TeleRadyo, na napapanood sa ABS-CBN TVplus at cable TV.

Maliban sa mga panayam, komentaryo, at pagtala­kay sa pinakamaiinit na isyu sa linggo, kung saan nakilala ang programa simula nang magsimula ito noong 2003, magkakaroon na rin sila ng mga bagong segment na tiyak na kapupulutan ng impormasyon ng mga manonood at tagapakinig ng programa sa DZMM Radyo Patrol 630.

Sa “Ano’ng Meron,” patok na pasyalan at aktibidad para sa buong pamilya ang hatid nina Julius at Zen, samantalang bida naman ang mga Pilipinong naka-duty tuwing day-off ng karamihan tulad ng mga tindera at nars sa “Kayod-Kayod.” Ipapakita rin nila ang mga kuwento sa likod ng mga tao sa balita sa “Dahan Dahan Lang.”

“Through the years nakakatuwa na nagkaroon na kami ng loyal following among our listeners and now our viewers in TeleRadyo. Nakakatuwa kasi mage-evolve na naman ‘yung program into another dimension. We are trying to explore pa ‘yung ways para mas lalo nating ma-improve ‘yung program at ma­ging mas interesting pa sa listeners natin,” sabi ni Julius.

Si Zen naman, patuloy na nagpapasalamat sa oportunidad na masubukan ang radyo at makasama pa ang isang de-kalibreng mamamahayag na gumagabay sa kanya si­mula nang pumasok siya sa “Magandang Morning” noong 2015.

Siyanga pala, hindi raw tutulad sina Julius at Zen sa ibang news anchor, reporter, na pumasok sa politika. Silang dalawa ay wala raw kabalak-balak maging politiko, at kuntento na raw sila na nakakakapag-public service sila sa pamamagitan ng mga programa nila.

May mga nagbalak daw na alukin sila, pero hindi nila in-entertain.

“Naramdaman nila na hindi ako interesado,” sabi ni Julius.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy