Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matteo sabog utak sa ipinatikim ni Sarah

0 197

Makasabog utak ang deskripsiyon ni Matteo Guidicelli sa ipinatikim sa kanya ng misis niyang si Sarah Geronimo. Ang bongga nga na unti-unti ay nakikita ng mga fan ang iba pang talent ni Sarah, bukod sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte.

Aba, ngayon lang halos nalalaman ng mga fan na bonggang-bongga palang mag-bake ng cake si Sarah, ha! At sa taas ng panlasa ni Matteo, na expert sa masasarap na pagkain, dahil may resto nga sila, sure na katakam-takam nga ang madalas na ipatikim sa kanya ni Mrs. Guidicelli.

Sa Instagram ni Matteo, halos lahat ng mga fan nga ay nagtatanong kung paano matitikman ang cake ni Sarah. At kahit ang mga kapwa artista ni Matteo ay nagpaparinig na rin, na bet nga nilang maranasan din ang ipinararanas ni Sarah sa kanya.

“My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest,” ang sabi ni Matteo.

Well, for now, siguradong ipagdadamot muna ito ni Matteo, at ie-enjoy nang husto ang pakiramdam na nalalasap niya kapag may ipinatitikim sa kanya ang misis niya.

‘Pilipina’ ni John Gabriel patok sa masa

May bagong alaga si Daddie Wowie, ang manager ni Yorme Isko Moreno. At siyempre, dahil mahusay kumilatis ng ‘talento’ si Daddie Wowie, sure ako na malaki rin ang magiging kinabukasan ng singer na ito, si John Gabriel.

Itsura wise, panalo si John. Husay sa pagsayaw, pagkanta, wagi pa rin siya. Talagang alam mo na sinala, pinaghusay, tinutukan talaga ni Daddie Wowie si John bago ilantad, ipakilala sa publiko.

Anyway, out na sa digital music store ang single ni John, na available for streaming and download sa Spotify, iTunes, Applemusic, TikTok, ang song niya na ‘O Pilipina’ na kinompows ni Bryant Aunor. Mapapakinggan na ito sa Barangay LS 97.1 FM ng GMA 7, sa program na Forever Request 4-8pm. At patok nga agad ito sa masa, ha!

Anyway, malay natin, sa mga susunod na panahon ay pasukin din ni John ang politika, ha! O tipong sumunod din sa yapak ni Yorme Isko.

Juliana Gomez agaw-eksena ang kaseksihan

How time flies. Imagine, 20 years old na pala si Juliana Gomez (noong Sept. 8), ang anak nina Mayor Richard Gomez at Rep. Lucy Torres.

Ang bilis ng panahon, na parang kailan lang, dalagita pa lang siya, at nakikita lang natin na kasa-kasama ng mga magulang niya sa mga showbiz event, na tahimik lang.

Pero heto na nga siya, dalagang-dalaga na at pinagkakaguluhan na ng mga boylet, ha! Lalo na sa mga latest photo niya na naka-bikini siya.

Sayang nga lang at hindi ko maintindihan ang komento ng mga netizen sa Instagram niya. Pero, ang pagkakaintindi ko, lahat ay saludo sa kaseksihan, kagandahan ng anak nina Goma at Lucy.

Eh, siyempre, kanino pa ba magmamana, eh, parehong seksi naman sina Goma at Lucy, di ba?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.