Una sa Balita

MATTEO, NAG-IIPON PARA SA KASAL KAY SARAH!

By
0 178

Natawa na lang si Matteo Guidicelli at dinaan sa biro nang intrigahin ito sa presscon ng bago niyang TVC sa Sun Life Asset Management Inc. para sa Sun Life Prosperity Card. Kung hindi raw ba sila naga-away ng girlfriend na si Sarah Geronimo dahil magkaiba ang Insurance nila na ine-endorso.

Natawang birong sagot naman ni Matteo, “Hindi, siyempre kasi, mas maganda ang insurance firm ko.”

Lahad naman niya, “Sun Life is something I really believe in. Parang it’s a chance for every Filipino to invest. Here, your investment is only P5,000 and you can add every month and you’ll have financial adviser on how you will invest your money.”

Pero nang tanungin ito kung sino ang mas magaling mag-endorse sa kanila ng girlfriend, sey niya, “Haayy, I’ll be ho­nest– siyempre siya. Ha! Ha! Ha!

“I just want to be honest, she’s a great endorser, she’s a great role model, hands-down number one.

“Me, I don’t know what number I am, I just believe in the pro­duct I endorse,” saad niya.

Sabi naman namin kay Matteo na kilalang galing naman sa mayamang pamilya sa Cebu at sa loob ng sampung taon sa showbiz ay nakapag-establish na ng pangalan at mga sariling negosyo, puwedeng-puwedeng sabihin na handang-handa na siyang magpakasal anytime.

“Yeah, but there’s more dreams to fulfill. Maybe few more years.”

At saka niya isinunod na, “Siyempre, I think I’ve found the one.”

Tila kinilig naman ang press sa pahayag ni Matteo na alam ng lahat na si Sarah nga ang tinutukoy. Financially, ready na talaga siya?

“Well, nag-iipon naman ako all the time pero siyempre, when I started 10 years ago, my Dad was very strict with me with my money, every year, he will report to me how much I gain, how much I lost, it’s my res­ponsibility of course.”

Nagulat naman daw si Matteo nang malaman na nakahanay siya sa iba pang celebrity endorsers ng Sun Life tulad nina Piolo Pascual, Judy Ann Santos at Ms. Charo Santos-Concio.

“I feel very honored. I really don’t know that there’s Ma’am Charo. Nagulat na lang ako noong mag-shoot ako ng commercial, ang ikli.

“Yun pala, apat pala kami so I’m very, very honored, very, very humbled. I do my best to represent them.”

Sa ngayon, after Dolce Amore, tatapusin muna ni Matteo ang Single/Single at may Wheels show rin siya, a sports show at maghahanda sa kanyang ten years anniversary in showbiz concert na gaganapin sa Water Front Cebu, may titulong Matteo Gudicelli, Made in Cebu.

Not to mention, his very own production company na Big Bang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More