Una sa Balita

Matteo mukhang adik

0 329

Nakaaaliw man ang pagkaka­gawa ni Direk Kerwin Go ng Regal movie na “Mina-­Anud”, lutang na lutang pa rin ang mensaheng nais iparating nito – korupsyon!­

Inihatid ang mensahe sa pamamagitan ng pagpapatawa. Pero sa bandang huli, hindi lang mga ordinaryong tao ang nasisilaw sa pera kundi mga opisyal ng pamahalaan.

Maganda ang pagkakagawa ni Go sa pelikula. Magagaling din ang mga pangunahing artista gaya nina Dennis Trillo, Jerald Napoles, Lou Veloso, Dionne­ Monsanto at Matteo Gudicelli sa kakaiba nitong character.

Sinabi kong kakaiba ang karakter ni Matteo, dahil ngayon ko lang siya nakita na aadik-adik sa harap ng kamera, at bagay sa kanya. ­Meaning, mahusay talagang artista si Matteo.

Maganda rin ang photography at editing ng “Mina-Anud”.

Makakaramdam ka ng away sa mga karakter nina Dennis at Jerald dahil­ sa mga kinahinatnan nila. Iba na kasi ang nakabangga nila na mas makapangyarihan sa kanila.

Bagong putahe ang “Mina-Anud” dahil inspired­ ito sa true events. Hindi madalas mapanood sa local movies.

Kaya worth your money ang panonood nito ngayong araw na ito, August 21.

Ai Ai niregaluhan ng datung si Mother Lily

Umapaw ang bisita ni Mother Lily sa selebrasyon ng kanyang 80th birthday nu’ng Lunes, August 19.

Isa sa espesyal niyang bisita ang mag-asawang Senator Bong Revilla, Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado. Present din ang kaibigan niyang mag-asawa na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Dumalo rin si Ai Ai delas Alas na siya pang nagbigay ng red enve­lope (ang pao) kay Mother. At siyempre, present din sina Lorna Tolentino, Jane Oineza, Albie Casino, Dennis Trillo, Jerald Napoles, Matteo Guidicelli, Con­gresswoman Loren Legarda,­ singer JK Labajo, mga director at iba pa.

Nakausap namin sa party si Direk Erik Matti at natanong tungkol sa gagawing bio-flick ni Mother Lily. Si Judy Ann Santos­ ang gaganap bilang Mother Lily sa younger days niya.

Isang senior actress ang target nila bilang si Mother Lily sa makabagong panahon pero hindi pa nila ito naka­kausap kaya bawal munang­ isulat.
“Inaayos ko muna ang kabuuan bago kami mag-shoot. Nag-i-interview rin kami ng mga taong talagang malapit sa kanya at kasama ka!” saad ni Direk Erik.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy